Truck driver, arestado matapos magpanggap na pulis

Inaresto ng mga otoridad ang isang truck driver makaraang magpanggap na isang pulis nang makitaan ng baril, kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Kinilala ng Pasay City police ang suspek sa alyas na Elmer, 38-anyos.

Batay sa ulat mula sa Southern Police District (SPD), dinakip ang suspek bandang 9:20 ng Linggo ng gabi sa Dominga St., Barangay 45, Pasay City matapos makatanggap ng tip ang mga tauhan ng Sub Station 1 kaugnay sa pagdadala ng baril ng suspek.

Sinasabing isang Barangay Tanod ang nagbigay ng impormasyon sa pulisya matapos makita na umaaligid ang suspek sa barangay na nagpapakila pang pulis na armado ng baril.

Isang Super .38 caliber revolver na kargado ng anim na bala ang nakumpiska mula sa suspek.

Kasalukuyang nasa Pasay City Police custodial facility ang suspek at kinasuhan ng paglabag sa RPC Art. 177 o usurpation of authority at paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunitions Regulation Act.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...