Misis tinalo coin purse sa altar

Dahil walang nakitang mapagbebentahan sa niloobang bahay, isang coin purse na naglalaman ng ₱120 na nakalagay sa altar ang ninakaw ng isang ginang habang dahan-dahang pinasok ang bahay sa Malabon City.

Agad na inaresto ang ginang na kinilala sa alyas “Roselyn”, ng Cadornica St. Brgy. Monroy, Navotas City makaraang ireklamo ni Angelika Fetalvero, 42-anyos na nanloob sa kanyang bahay sa Mallari St., Brgy. San Agustin.

Sa ulat nina P/SSg Ernie Baroy at PSSg. Bengie Nalogoc kay Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, abala sa paglalaba sa loob ng kanyang bahay si Fetalvero nang pumasok sa loob ng bahay bandang 11:20 ng tanghali.

Ayon sa biktima, posibleng walang nakitang mananakaw ang suspek kaya tinalo ang coin purse na may laman P120 na nakalagay sa ibabaw ng altar.

Nang palabas na ng banyo ang biktima ay nakita niya ang suspek na nagmamadaling lumabas na naging dahilan upang magsisigaw siya na nagresulta sa pagkakadakip sa  ginang.

Nabawi ng mga nagrespondeng tauhan ng Malabon Police Sub-Station 6 sa suspek ang ninakaw na coin purse at isang patalim na gagamiting ebidensiya laban sa kanya sa pagsasampa ng kasong pagnanakaw at paglabag sa BP-6 o illegal possession of deadly weapon sa piskalya  ng Malabon.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...