Most wanted person ng Makati, nasakote

0

Nasakote ng Makati City Police Station ang kinikilalang Top 4 Station Level Most Wanted Person matapos ang isinagawang manhunt operation at lapagan ng warrant of arrest, Martes ng hapon sa  Teacher’s Compound, Brgy., West Rembo, Makati City.

Kinilala ni PBGen. Mark D Pespes OIC ng Southern Police District (SPD) ang suspek na si Jericho Arriola, listed as Top 4 Most Wanted Person, Station Level ang naaresto ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Unit, kasama ang Station Intelligence Section at SDEU, Makati CPS.

Inisyu ni Hon. Judge Jacob Macalla Montessa, II, ng RTC, Br. 63, Makati City, Criminal Case No. R-MKT-23-02271-CR,  R-MKT-23-02272-CR, R-MKT-23-02273-CR na may petsang September 15, 2023 ang suspek na may kasong paglabag sa Section 5 at Section 11 ng Article II of  RA 9165,

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Custodial Facility ng Makati CPS  habang inihahanda ang pagdinig sa kaso.

About Author

Show comments

Exit mobile version