Awra may kasalanan nga ba kay Vice?

0

KUNG meron nga, ano ba ang kasalanan ni Awra Briguela sa manager niyang si Vice Ganda?
Ayon sa vlog ni Ogie Diaz, anim na buwan na raw na hindi nakatira si Awra sa condo ni Meme (o Vice Ganda) at hindi ito alam daw ng tatay niya.


Ang paalam ni Awra sa tatay niya ay doon siya titira kina Vice.


Pero sinabi ni Vice na hindi raw totoo ‘yun. Pero iginiit ni Ogie sa totoo lang daw, sa mga barkada pala nakatira si Awra.


Malaking problema daw kapag nagkausap sina Vice, Awra at ang tatay nito. Baka magkahiwalay ang talent at manager nito, kung hindi masosolusyunan ang problema.


Matatandaan na nakulong ng dalawang araw si Awra sa istasyon ng pulisya dahil sa kaguluhang
kinasangkutan nito sa isang bar sa Makati kamakailan.


Sana, magsilbing aral ito hindi lang kay Awra, kundi sa lahat ng talents na may unwholesome attitude, pagwawakas ni Ogie.

About Author

Show comments

Exit mobile version