HABANG isinusulat ang balitang ito, tiyak na ang panalo ni dating pangulo Donald Trump bilang ika-47 pangulo ng United States of America.
Siya ay nakakuha ng 266 electoral votes kumpara sa 195 electoral votes ni Vice President Kamala Harris. Kailangan lamang ng 270 electoral votes para manalo.
Kasabay nito, makokontrol din ng partido ni Trump na Republican kapuwa ang senado at kongreso.
Nakakuha ng 190 puwesto ang mga Democrats sa kongreso samantalang 204 puwesto naman ang nakuha ng Republicans.
Sa senado naman, 41 puwesto ang nakuha ng Democrats kumpara sa 51 puwesto ang nakuha ng Republicans.
Related Posts:
Bilang ng drop-outs sa high school tataas – Brosas
29% ng workers, naghahanap ng bagong trabaho
Desisyon ng ICC sa apela ng Ph, lalabas na bukas
P50-m Confi funds ng DA, inusisa ni Tulfo Panganiban, dapat balik-high school
Mike Enriquez: Magalang na broadcaster, namaalam na
Pwede nang bumoto sa 14 SM malls
Gaganda ang buhay sa 2024 – 92% ng Pilipino
Taas-presyo sa LPG, epektibo na
About Author
Show
comments