90% sa mga bata, hindi makabasa – Gatchalian

0

INIHAYAG noong Biyernes ni Senator Sherwin Gatchalian na 90 percent ng mga kabataan ay
hindi makabasa, ayon daw ito sa report ng World Bank (WB).


Ang datus ng WB ay base sa depinisyon ng pagbabasa na pagkuha, pag-unawa, at pagtanda
(to remember) sa ilang anyo impormasyon o ideya na nakasulat.


Dahil dito, sinabi ni Gatchalian sa TV program na The Source na pagtutuunan nang pansin ng
bagong K-10 kurikulum ang basic skills, reading, math, at writing. Ito ay ipatutupad sa
susunod na pasukan.


Ayon sa senador, pagtutuunan nang pansin simula kindergarten hanggang grade 3 ang basic
skills and competencies. Babawasan daw ang bilang ng kasanayang ituturo sa bagong
programa.


Samantala, sinabi ng Department of Education (DepEd) na ang bagong K-10 kurikulum ay
dadaan muna sa pagsusuri o review bago ito ipatupad. Sinusuri rin ng departamento ang
Grade 12 curriculum para tiyakin na makahahanap kaagad ng trabaho ang gradweyts nito.

About Author

Show comments

Exit mobile version