Maine, niregaluhan ni Arjo ng P6.5-M na bag

SINORPRESA ni Cong. Arjo Atayde ang bago nitong misis na si Maine Mendoza sa kanyang
regalong Hermès Mini Kelly bag na nagkakahalaga ng P6.5 milyon.

Ito ay matapos ttumanggap si Arjo ng brand-new Toyota Land Cruiser LC300 ZX, na may
price tag na P5.7 milyon.


Nganga ang ilang mahihilig sa kotse dahil napakahirap humanap sa car dealers sa bansa ng
Toyota LC300 ZX, kahit mapera ang bibili.


Ayon sa Top Gear Philippines, kailangang pang maghintay ng isang taon bago makuha ang
ini-reserve na unit ng nasabing Land Cruiser. Inaasahan daw na mauubos na ang stock sa
loob ng anim na buwan.


Naging headline ng mga pahayagan at social media posts ang mamahaling regalo ng bagong
kasal sa isa’t isa, bago sila ikasal noong Biyernes, Hulyo 28, 2023 sa Alphaland Baguio
Mountain Lodges Chapel in Baguio City.


Samantala, bumili rin sa Paris noong 2022 ang asawa ni Senador Chiz Escudero na si Heart
Evangelista ng Hermès Mini Kelly II  na noo’y may halagang mahigit P5.1 milyon.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...