Nakapagtala ang Bureau of Immigration ng 30,000 hanggang 31,000 daily passenger departures sa lahat ng international airports sa bansa matapos ang pagdiriwang ng bagong taon.
Ayon sa ahensya, mas mataas ang nabanggit na numero, kumpara sa 21,000 hanggang 25,000 daily departures sa unang linggo ng December 2023. Aabot sa mahigit 3.2 million ang kabuuang bilang ng mga umalis na pasahero na naiproseso ng BI noong 2023, kung saan mahigit 1.2 million dito ay naitala noong Disyembre.
Karamihan sa outbound travelers noong nakaraang taon ay South Koreans, Americans at Chinese nationals.
Samantala, mahigit pitong milyong mga Pilipino naman ang umalis ng bansa noong 2023, kung saan karamihan sa mga ito ay overseas workers at turista.
Related Posts:
P300-K shabu nadagit sa 2 tulak
Allowance ng mga guro, magiging ₱10K na
Poe, kinondena ang NGCP dahil sa Panay Island blackout
Mahigit 100 0FWs sa Taiwan, tuturuan nang pagsasaka
Dating mga opisyal hinimok si Mayor Vico na rebyuhin muli ang itatayong bagong city hall campus
VP Duterte pinuri ang pamumuno ni Marcos, Jr.
‘Honey’ vs ‘Isko’ sa Maynila sa 2025
Mayor Vico, masaya dahil walang aberya ang BSKE sa Pasig
About Author
Show
comments