TINUKOY ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) ang tatlong suspek sa pagpatay sa radio anchor na si Juan “DJ Johnny Walker” Jumalon.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas ‘Ricky,’ ‘Boboy’ at ‘Inteng,’ na sinampahan na rin ng reklamo sa piskalya.
Ayon kay PTFoMS Executive Director Usec. Paul Gutierrez, ilalabas nila ang tunay na pangalan ng mga suspek sa oras na maiakyat sa korte ang kaso laban sa mga ito.
Naispatan ang tatlong suspek sa Misamis Oriental at Zamboanga del Norte.
Samantala, inihahanda na rin ang pagpapalabas ng ‘most wanted’ poster ng mga suspek, na mayroong ₱3.7 million na pabuya para sa mabilis na pagresolba ng kaso.
Related Posts:
Gaganda ang buhay sa 2024 – 92% ng Pilipino
Dec. 31 deadline sa PUV consolidation, tuloy – LTFRB
Bitay uli ngayon sa Singapore Isa pang Flor Contemplacion?
US$3.5-B Kita mula sa bamboo industry – Villar
Bigas, huwag sayangin
Training ng AFP officers sa China, ihihinto na
‘Age doesn’t matter’ kay Karla E. May bago siyang jowa?
Mahigit ₱10-M jackpot sa Lotto 6/42, tinamaan
About Author
Show
comments