1 sa bawat 3 pamilyang Pilipino, nagbibisekleta

0

“SA IKAUUNLAD ng bayan, bisikleta ang kailangan.”
Mukhang nagkakatotoo na ang sinabi noon ng celebrity na si Ariel Ureta, noong nasa
ilalim pa martial law ang buong bansa.


Hindi lang po namin nakumpirma kung totoo ang balitang pinagbisikleta si Ureta sa
Camp Crame sa buong maghapon, dahil nainsulto raw ang kapulisan sa kanyang
sinabi.


Sa ngayon – mahigit 50 taon matapos ang iconic na pahayag ni Ureta – bisikleta na
ang pangunahing paraan ng transportasyon ng isa sa bawat tatlong pamilyang Pilipino.


Bukod sa walang gastos sa pamasahe at environment-friendly, hindi problema ang
trapik at libreng ehersisyo pa kapag ang isa ay nagbibisekleta.


Samantala, ayon sa Social Weather Stations (SWS) noong Huwebes, 10 milyong
pamilya (36 percent) sa buong bansa ay may isang miyembro na nagbibisekleta.

Mas mataas ito kaysa 7.3 milyon (29 percent) na naitala noong Abril 2022, pati na sa 6.2
milyon (24 percent) noong Mayo 2021.


Ayon pa sa SWS halos 7.5 milyong pamilyang Pilipino (27 percent) ang nabibisekleta
para mamasyal o mag-relax, samantalang 6.7 milyon (24 percent), dahil sa trabaho o
importanteng lakad.


Sinabi ng surbey na mas mataas ang bilang ng mga may bisikleta kaysa kotse, may
ratio na 4:1. Ito rin ang ulat noong Abril 2022 at Mayo 2021. Mas mataas naman ito sa
2:1 ratio na surbey noong Mayo, Hulyo, at Setyembre.


Sa 13 national surveys na ginawa ng SWS magmula Mayo 2020 hanggang Marso 2023,
makikitang mas marami ang nagmamay-ari ng bisikleta kaysa kotse sa buong bansa.

Sa katulad na surbey, karamihan sa may mga kotse o motor vehicles ay nagmamay-ari
rin ng motorsiklo.


Isinagawa ang surbey magmula March 26-29, gamit ang face-to-face interviews sa
1,200 adulto sa buong bansa.

About Author

Show comments

Exit mobile version