Mass graves ng kulto sa sitio Kapihan?

0

MAGSASAGAWA ng inspeksyon ang isang senate panel sa Sitio Kapihan ngayong araw para
makumpirma kung totoo ang diumano’y ulat ng mass graves dito.


Sinabi ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa kahapon, chair ng Public Order and Dangerous Drugs
Committee, “Hindi naman tayo mag e-exhume, titingnan lang natin location at mag-iinterview tayo (kung) sino-sino ang ipinaglilibing doon at (ang) mga circumstances surrounding (these) grave (s).”


Ang Sitio Kapihan is ay isang pribadong lugar sa Barangay Socorro, Surigao del Norte, na may sukat na 353 ektarya.

Dito naninirahan ang mga lider at miyembro ng kultong Socorro Bayanihan Services Inc.
(SBSI).


Ayon kay De la Rosa, titingnan nila kung totoo ngang may mass graves sa loob ng Kapihan, at kung kinakailangan pa ang karagdagang aksyon, hihilingin daw nila ang ibang ahensya ng gobyerno para gawin ito.

May posibilidad daw na diumano, kung mayroon ngang mass graves dito, posibleng may kadudadudang pagkamatay sa Kapihan, sa mga miyembro ng SBSI.


Ang SBSI ay isa diumanong kulto na pinamumunuan ni Jey Rence “Senyor Agila” Quilario. Mayroon itong 3,650 miyembro na 1,587 ay mga kabataan, na marami rito ay sapilitang pinag-aasawa kahit menor de edad, sapilitang sex, at pinagtatrabaho nang sapilitan sa mahabang oras,
Nahaharap ngayon sa mga kasong kriminal sa Department of Justice ang pamunuan ng grupo.

About Author

Show comments

Exit mobile version