NEDA, kontrabida? Kontra sa ₱100 dagdag-sweldo

0

SINABI ng NEDA na hindi kayang ibigay ng micro, small at medium enterprises (MSMEs) ang P100 na arawang dagdag-sweldo.


Ayon kay USec. Rosemarie Edillon ng NEDA o National Economic and Development Authority, inatasan ang kanilang ahensya para magbigay ng inputs tungkol sa panukalang ₱100 dagdag-sweldo.


“Ang isa na tinitingan din namin is the affordability levels, especially for the MSMEs… But we saw there (sic) for the micro, small, and medium, hindi nila kakayanin,” ayon kay Edillon.


Magkakaroon daw ng problema kapag dinagdagan ang minimum wage, aniya pa, “The savings from CREATE will not be enough to cover ‘yung additional wage increase.”


Ang CREATE o “The Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises” na naisabatas noong 2021, ay ginawang 20 percent, mula sa dating 33 percent ang corporate income tax ng MSMEs.


Nauna nang sinabi ni Sen. Chiz Escudero na ang ₱100 dagdag-sahod kada araw ay kakayanin ng mga malalaking kumpanyang may ₱1.1 trilyon ang kita — 14 percent lamang ito sa kanilang tubo, samantalang pag-aaralan pa raw nila kung angkop ito sa maliliit na negosyo.


Sinabi ng isang labor leader na sa halip na komontra, dapat munang inaalam ng NEDA ang ginagawa ng Senado para maitaas ang antas ng buhay ng karaniwang manggagawa. Lumalabas daw tuloy na kontrabida si Edillon at ang iba pang opisyal ng NEDA kung tungkol sa kapakanan ng mga mahihirap.

About Author

Show comments

Exit mobile version