TARGET ng Bureau of the Treasury (BTr) na makalikom ng P225 bilyon sa Agosto mula sa lokal na
merkado, gamit ang treasury bills at treasury bonds.
Ayon sa BTr kahapon, naka-programa ang gobyerno na umutang nang kabuuang P75 bilyon na
treasury bills at P150 bilyon na treasury bonds.
Umaabot sa P15 bilyon ang isusubasta ng BTr sa susunod na buwan.
Tuwing Lunes, isusubasta ang 91-araw, 182-araw at 364-araw na treasury bills, na may bolyum na P5 bilyon bawat termino.
Samantala, mag-iissue rin sila ng dalawang five-year bonds, six-year securities, 10-year IOUs at 15- year paper. Bawat treasury bonds ay may bolyum na P30 bilyon.
Inaasahang maraming imbestor ang mag-iinvest ng kanilang pera dito.
Related Posts:
Klase sa 2024-2025 magsisimula sa Hulyo 29, ayon sa DepEd
Modern jeepneys, hindi nakaayon sa Euro 4?
Ex-Pres. Duterte, “sleeping with China”?
NEDA, kontrabida? Kontra sa ₱100 dagdag-sweldo
EPR Law, para sa kalikasan
Opisina ni Teves sa Kongreso, ipinasara na
Ilegal, pamimigay-ayuda ng senador, kongresista
51-K Pasahero sa NAIA, iba pang airports sa bansa
About Author
Show
comments