‘LottoMatik’ PoS device inanunsyo ng PCSO

INANUNSYO ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang ‘LottoMatik’ na isang handy at portable Point of Sales (PoS) device na unang inilunsad noong Nobyembre 8, 2024 ngunit ngayon lang opisyal na ipinakilala.

Ka-partner ang I.T. solutions provider na DFNN, layon ng PCSO na mapabilis sa isang simple at hassle-free ang pagbili at pagbenta ng lotto tickets.

Ayon pa sa pahayag ng ahensya, malaki ang maitutulong ng bagong sistemang ito para sa mga maliliit na negosyante at ilang indibiduwal nagnanais na mag-benta ng lottery tickets.

Dahil sa makabagong teknoliya kailangang makisabay ang PCSO sa mga kahalintulad na sistema upang dumami pa ang mga micro entrepreneurs sa bansa, ayon pa sa pahayag ng ahensya.

Sinabi pa ng PCSO na dahil sa maliit lamang ang nasabing PoS device, angkop anila ito sa mga maliliit na negosyante na may maliit lang na espasyo sa kanilang tindahan o puwesto.

Isa pang dahilan anila ay upang magkaroon ng mga lotto outlets sa mga lugar na wala pang outlet nang sa gayon ay mas marami pang Pilipino ang makataya na nasa isipan ang makatulong sa kawang-gawa.

Maliban sa malaking tulong anila ito upang masugpo ang iligal na sugal, mapo-protektahan pa ng mga mananaya ang buwis na dapat na mapunta sa gobyerno at maibalik naman sa tao sa pamamagitan ng mga social welfare at serbisyong medikal.

“Dahil sa LottoMatik malaking hakbang ito para mas marami ng mga Pilipino ang makakasali sa loterya at magkaroon ng tsansang manalo at magkaroon ng kontribusyon sa kawang-gawa sa kanilang kapuwa Pilipino,” anng pahay ni PCSO General Manager Melquiades Robles.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...