Menor-de-edad na wanted sa panghahalay sa Pasig tiklo

0
Ang suspek habang binabasahan ng kaniyang mga karapatan. (Photo: EPD/PIO)

HULI ang isang binatilyo na itinuturing na ‘most wanted person’ sa isang operasyon na isinagawa ng Eastern Police District (EPD) sa Brgy. Bagong Ilog, Pasig City, Pebrero 25, 2025.

Sa ulat na nakarating kay PCol. Villamor Tuliao, district director ng EPD, kinilala ang suspek na si alyas “LCD,” 16 na taong gulang at may kasong 2 counts of statutory rape sa ilalim ng Article 266-A ng Revised Penal Code may kaugnayan sa Section 5 ng R.A. 8369.

Sinabi pa ni Tuliao na inihain ng mga operatiba ang isang ‘order to take custody’ na inisyu ni Presiding Judge Rainelda Estacio-Montesa ng Regional Trial Court (RTC) Branch 159, National Capital Judicial Region, Pasig City na may petsang Pebrero 19, 2025.

Batay sa imbestigasyon, unang hinalay ng suspek ang 14-anyos na kapatid na babae ng kaniyang kaibigang lalaki noong taong 2023 at muling naulit hanggang sa nabuntis nito ang biktima.

Dito na umano nag-alburuto ang mga kapamilya sa sinapit ng biktima kaya agad itong nagsuplong sa pulisya hanggang sa iniutos ng korte na hanapin at hulihin ang suspek.

“Sobrang nakalulungkot at nakababahala ang mga ganitong kaso dahil halos mga kabataan ang nasasangkot sa ganitong krimensexual violence and abuse,” pahayag ni Tuliao.

Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya na ng Bahay Kanlungan na pinangangasiwaan ng City Social Welfare Department (CSWD) at pinatatakbo ng lokal na pamahalaan ng Pasig.

About Author

Show comments

Exit mobile version