Hulihin: Street vendors na sisilong sa flyovers

0

HULIHIN!


Ito ang iniutos noong Biyernes ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa
mga tauhan nito laban sa ambulant o street vendors na sumisilong sa flyovers o footbridges
kapag may malakas na pag-ulan.


Ayon kay MMDA Traffic Enforcement Group chief Victor Nuñez, wala namang permits ang
street vendors para magtinda sa mga pampublikong lugar.


Sa kasalukuyan, hinuhuli ng MMDA ang illegally parked vehicles at street vendors, kaugnay ng
kampanya ng gobyerno na linisin ang mga pangunahing kalsada – pati na sidewalks – sa lahat
ng obstructions o mga nakaharang para mapabilis ang daloy ng trapiko.


Noong Agosto 1, nagsimulang hulihin ng MMDA ang motorcycle riders na sumisilong sa
footbridges at flyovers kapag malakas ang ulan. Siyam ang nahuli at bawat isa’y pinagmulta
ng P1,000, matapos isyuhan ng traffic citation tickets.


Hindi pa rin malinaw ngayon kung bakit P1,000 ang siningil sa riders samantalang P500 lang
dapat ang multa ayon sa naunang pahayag ng ahensya.


Samantala, makahayop daw (hindi makatao) ang utos ng MMDA laban sa riders, ayon kay 1-
Rider party-list Rep. Bonifacio Bosita. Idinagdag pa niya na “Solusyon dapat, hindi pahirap.”#

About Author

Show comments

Exit mobile version