Taga-Las Piñas wagi sa P111-M  Grand Lotto 6/55

Isang masuwerteng mananayang taga-Las Piñas City, Metro Manila ang nakadale sa Grand Lotto 6/55 jackpot prize na P111,039,686.00  na ni-raffle Lunes ng gabi sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) main office sa Mandaluyong City.

Sa report na inilabas ng pamunuan ng PCSO, nadale ng nag-iisang masuwerteng mananaya na bumili ng lotto ticket sa BFRV, Las Piñas City ang winning combination  55 – 50 – 06 – 45 – 12 – 40  ng Grand Lotto 6/55.

Mayroong 16 mananaya naman ang nanalo ng 2nd prize na P100,000.00, may 970 katao ang nakakuha ng P1,500.00 at nasa 18,658 players ang nanalo ng P60.00.

Maaaring makuha ng winner ang kanyang checke sa PCSO main office sa Mandaluyong City at magpakita lamang ng dalawang valid ID at nanalong lotto ticket.

Ang mga sosobra sa P10,000 na Lotto winnings ay mayroong 20-percent tax sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion law.

Paalala ng PCSO na ingatan ang mga winning lotto tickets at ang mga premyong hindi pa nakukuha sa loob ng isang taon ay maaaring ma-forfeit.

Abangan sa Miyerkules ang susunod na bola ng Grand Lotto 6/55 na aabot sa P29.7 million pesos.

IBA PANG BALITA

Marcos courts global investors in Singapore following economic status upgrade

PRESIDENT Ferdinand R. Marcos Jr. has made a direct pitch to global investors here, urging them to partner with the Philippines as it enters...

Cultivating Creativity: 9th Ortigas Art Festival brings “Art for All” to GH Mall

THE intersection of community and culture takes center stage as the 9th Ortigas Art Festival transforms GH Mall into a vibrant, multidisciplinary hub of...

Ang Huling Sayaw: Isang Kuwento ng Pamilya Romanov ng Rusya

SA simula ng ika-20 siglo, ang Russia ay isang bansa na puno ng kontradiksyon. Sa isang dako, naroon ang maringal na Winter Palace sa...

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

Grassroots groups urge Mayor Isko Moreno to ban indoor smoking and vaping areas in Manila

A coalition of 25 grassroots organizations has called on Manila Mayor Isko Moreno to implement a total ban on indoor designated smoking and vaping...

46 katao huli sa SACLEO ng Rizal PNP

NASA 46 katao ang naaresto ng Rizal Provincial Police Office (RPPO) sa magdamagang  operasyon ng Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operations (SACLEO)  kontra kriminalidad sa...