₱1.242-B IT infra ng itatayong Pasig City Hall campus, delikado

0
Si DICT Spokesman Assistant Sec. Renato Paraiso (photo courtesy: PNA)

NANINDIGAN ang isang opisyal ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na hindi maganda ang plano na maglaan ng ₱1.242 bilyon para sa itatayong IT infrastructure ng Pasig City Hall campus.

Ayon kay DICT Spokesman Assistant Sec. Renato Paraiso, bumababa ang kalidad ng mga software at hardware kaya malabong tumagal ang sistema.

“Technology upgrades so often that what you buy now may not be useful after four years, particularly on both IT software and hardware,” paliwanag ni Paraiso.

Nilinaw pa ni Paraiso na maaari namang bumili ng mga kinakailangang kagamitan para sa ICT system bago ang aktwal na konstruksyon, tulad ng mga kable, switches at pull boxes, at mga telephone terminal cabinets, kasama ang iba pang IT items.

Ito ay matapos umalma ang DICT official kaugnay sa mga lumalabas na balita na ang kontrata sa pagpapagawa ng ₱9.6 billion new Pasig City Hall campus ay kabilang ang pagbili ng information technology system na nagkakahalaga ng ₱1,242,966.011.

Nabatid na ang construction and development ng 46,000 square meter campus na una nang nai-award sa Philjaya noong May 24, 2024 ay maglalaan ng apat hanggang limang taon bago matapos ang proyekto.

Kabilang sa procurement list para sa IT networking at tech security ay Multi-Factor Authentication sa halagang ₱104,885,370; AntiMalware na nagkakahalaga ng ₱38,033,191; Next Generation Firewall sa halagang ₱40,851,272; Domain Name System at Email securities na nagkakahalaga ng ₱25,967,021 at P24,861,752, ayon sa pagkakasunod-sunod; Network Access Control sa halagang ₱25,751,844; Access Switces na nagkakahalaga ng ₱114,028,114; Wireless Local Area Network sa halagang ₱75,493,933; Software-Defined Wide Area Network na nagkakahalaga ng ₱25,955,755; Data Center Network sa halagang ₱47,355,899

Sinabi pa ni Paraiso na bagama’t hindi obligado, mas mabuti aniya na humingi ng assistance ang Pasig local government unit (LGU) sa paghanap ng endorsement mula sa ahensya para sa kanilang information system strategic plan (ISSP) bago pa ang pagkuha ng buong IT infrastructure package, kabilang na ang security and networking technology.

Base sa Joint Memorandum Circular No. 2024-01 (series 2024) na kabilang ang national government offices na bubuo ng kanilang IT systems para masigurong sapat at maayos ang sistema ng lahat ng  government agencies at ilang private sectors.

About Author

Show comments

Exit mobile version