Suspendido ang expanded number coding scheme sa araw ng Pasko, December 25, at 26, gayundin sa Bagong Taon, January 1, 2024, bilang official national holiday ng bansa.
Kaugnay nito, mayroong itinalagang window hours ang Metropolitan Manila Development Authority sa nasabing mga araw, kung saan maaaring bumiyahe ang mga coding na sasakyan mula 10:01 ng umaga hanggang 4:59 ng hapon.
Ayon sa MMDA, asahan na ang matinding traffic sa Metro Manila dahil sa mataas na volume ng mga sasakyan, partikular na sa mga namimili sa mga mall at pamilihan at kaliwa’t kanang Christmas Party.
Kaugnay nito, pinayuhan ng MMDA ang publiko na planuhin ang mga pupuntahan at gagawin, at asahan na rin ang pagdagsa ng mga commuter.
Related Posts:
₱.5-M shabu nasabat sa 3 tulak sa Marikina
Meralco, telco companies sa Pasig, kakasuhan?
Puwersa ng EPD kasado na sa EDSA anniversary
Pasig River Ferry Service, balik-operasyon na bukas
MMDA sa LGUs: Magtalaga ng fireworks display zones
3 drug suspects, huli sa buy bust ops sa Caloocan City
6 sugarol arestado sa cara y cruz at shabu sa Caloocan
Dalawang tulak umano ng iligal na droga, arestado sa Navotas
About Author
Show
comments