Kamag-anak, kaibigan ni Teves damay sa freeze order?

0

DAMAY sa imbestigasyon ang mga kamag-anak at kaibigan ni suspended Negros Oriental Cong.
Arnie Teves, ayon kay Justice Sec. Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla.


Nilinaw ni Remulla na hindi sila nagtuturo ng tao at ang pag-iimbestiga sa mga anak at kamag-anak ni Teves ay bahagi ng ‘related interest’ kung saan posible umanong ipinagkatiwala ni Teves ang kanyang ibang bank account at pagmamay-ari nito sa ibang tao.


“They are related interest so they will be subjected to investigation also. That’s the natural course
we have under the Anti-Terror Act (Law),” ani Remulla.


Ang mga bank account ni Rep. Teves ay kasalukuyang naka-freeze sa pakikipagtulungan ng Anti-
Money Laundering Council (AMLC).


Marami pa umanong ‘dummies’ o ‘conduits’ ang mambabatas na hinahabol at ipi-freeze rin ng
AMLC sakaling ma-identify ito.


Samantala, maaring magpunta sa Korte si Teves sakaling sipain siya bilang miyembro ng Kongreso, ayon sa kanyang abogado noong Lunes.

About Author

Show comments

Exit mobile version