SUCs: Itigil na ang pagtanggap ng Sr. HS – CHEd

0

Inutusan ni CHEd Chair Prospero de Vera III ang lahat ng state universities and
colleges (SUCs) sa buong bansa na tigilan na ang pagtanggap ng senior high schools sa
darating na school year 2024-2025.


Sa isang memorandum na ipinalabas ng CHEd o Commission on Higher Education, ang
awtoridad daw ng lahat ng lokal na pamantasan at kolehiyo para sa senior high school
program (SHS) ay paso na, matapos ang SYs 2016-2017 at 2020-2021, ang transition
period mula sa Kindergarten patungo sa Grade 12 (K-12) system.


Wala na raw anomang basehang legal ang pagtanggap ng SHS para sa SUCs.


Tangi lang daw mga estudyanteng magtatapos ng Grade 12 sa SY 2023-2024 ang
papayagang mag-enrol, ayon sa Private Education Assistance Committee ng
Department of Education (DepEd).


Inatasan din ng CHEd ang lahat ng regional directors nito na i-monitor ang compliance
ng SUCs at LUCs sa kautusan ng ahensya.

About Author

Show comments

Exit mobile version