Niyanig ng magnitude 5.9 na lindol ang Lubang Island sa Occidental Mindoro nitong Martes
ng hapon.
Naramdaman din ang mas mahinang pagyanig sa maraming bahagi ng Metro Manila.
Iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Philvolcs) na may tectonic origin ang lindol at tumama pitong kilometro sa Timog ng Lubang, alas-4:23 ng hapon. Ito ay may lalim na 79 kilometro.
Dahil sa mga pagyanig at aftershocks, maraming mga tao sa Metro Manila na nasa loob ng mga gusali ang nag-evacuate, pati na rin sa mga tanggapan ng gobyerno at mga paaralan.
Naitala ang Intensity V sa Lubang pati na rin sa Puerto Galera, Oriental Mindoro, samantalang Intensity IV ang naramdaman sa mga lungsod ng Quezon, Makati, at Taguig.
Tumigil ang mga sistema ng tren sa Metro Manila sa loo ng halos isang oras dahil sa pagyanig.
Kabilang dito ang Philippine National Railways, Metro Rail Transit Line 3, at Light Rail Transit
Lines 1 and 2.
Sinabi naman ng Manila International Airport Authority na walang naobserbahang pinsala sa mga pasilidad ng Ninoy Aquino International Airport, kabilang na ang runways, taxi terminals, at iba pang pasilidad ng airport.
Negative din ang pinasala sa ilang airports sa Mimaropa region, ayon sa Civil Aviation
Authority.
Kahit na walang naiulat na pinsala ng lindol, pinayuhan ng Philvolcs ang mga nakatira sa Mindoro at Metro Manila na mag-ingat at asahan ang maraming aftershocks.
Samantala, ayon sa Brabo research, nakilala sa buong mundo ang Lubang Island noong 1974 dahil dito nagtago sa loob ng 29 taon — kahit na natapos na ang World War II — si Lt. Hiroo Onoda, intelligence officer ng Japanese Imperial Forces. Naniwala lamang siya na natapos na ang digmaan nang sunduin siya ng kanyang commanding officer sa utos ng noo’y Emperador Showa.