VP Sara, kinondena ang MSU bombing

0


Kinondena ni Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte ang pambobomba sa loob ng
Mindanao State University (MSU) sa Marawi City kahapon ng umaga, habang ginaganap ang isang misa.


Sinabi ni Duterte na ang pambobomba ay malinaw na nagpapakita nang labis na karuwagan.


Nagpaabot din siya ng taos-pusong pakikiramay sa mga naging biktima nang pagsabog at
sinabing hindi titigil ang gobyerno hangga’t hindi napapanagot ang mga may kasalanan.


Hinimok naman ng pangalawang pangulo ang mga taga-Mindanao na maging mahinahon at panatilihin ang pagiging mapagmatyag para maiwasan ang mga karumaldumal na insidenteng katulad nito.


Samantala, sinabi ng mga awtoridad na isang teroristang grupo ang ISIS, ang sangkot sa
pambobomba sa MSU na sa apat na katao at sumugat sa 45 iba pa sa isang Catholic mass na ginanap dito, nitong Linggo ng umaga.

Ayon kay Brig. Gen. Allan Nobleza, direktor ng Police Regional Office, BARMM, inaalam pa nila kung anong uri ng pampasabog ang ginamit sa MSU.


“Iniimbestigahan pa ng aming EOD K9 mula sa Lanao del Sur ang insidente,” ayon kay Nobleza.


Inaalam pa ng mga imbestigador kung ang pambobomba ay may kaugnayan sa pagkakapatay sa 11 miyembro ng teroristang grupo na Dawlah Islamiyah sa Maguindanao, pati na ang lider nito na si Abdullah Sapal, nitong Disyembre 1.


Inanunsyo ng MSU na suspendido ang klase hanggang sa makapagbigay ito ng abiso.
Sinabi ng administrasyon ng pamantasan na nakikipagugnayan sila sa mg aawtoridad para
tiyakin ang kaligtasan ng kanilang mga estudyante, guro, at kawani.

About Author

Show comments

Exit mobile version