Vice ganda, wala paring tulong sa it’s showtime staff

HANGGANG sa ngayon, wala pa rin daw iniaabot na tulong-pinanasiyal si Vice Ganda sa staff at crew ng It’s Showtime, ayon sa vlog ni Cristy Fermin.


Binanggit ni Cristy na kahit na nagsimulang masuspindi ang It’s Showtime, wala pa rin daw naiaabot si Vice sa staff at crew ng programa.


Ayon sa ilang netizens, masyado raw insensitive si Vice sa nararanasan ng production staff at crew ng It’s Showtime, dahil bago naipatupad ang suspensyon ng programa, bumili siya ng brand-new BMW 735i na nagkakahalaga ng halos P8 milyon. Nakita ito ng madlang pipol sa social media.


“Nanggaling mismo doon sa loob, wala naman daw binibigay na ayuda si Vice… Sila (staff) din mismo ngayon ang nagkukuwestiyon kung bakit sabi magbibigay, waley naman pala,” ayon pa kay Cristy.

Hindi pa rin malaman hanggang sa ngayon kung saan nanggaling ang bali-balitang magbibigay daw si Vice ng ayuda sakaling matuloy ang 12-araw na suspensyon. Wala pa ring official statement si Vice Ganda tungkol dito.


Samantala, niresbakan naman ng fans ni Vice si Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile.


Ayon sa post “Hindi siya kurakot at nagbabayad siya ng malaking buwis!”

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...