Disqualification cases, tutuldukan na – COMELEC

0

IPINAHAYAG ni Comelec Chair George Garcia na umabot na sa mahigit 125 ang isinampang
kaso ng disqualification sa mga kandidato sa BSKE.

Naka-iskedyul na resolbahin ngayong linggo ng Comelec o Commission on Elections ang daan-
daang mga kaso na inihain laban sa mga kumakandidato sa BSKE o Barangay at Sangguniang
Kabataan Elections. Karamihan sa mga kaso ay premature campaigning.


“Mula sa dibisyon ng Comelec, umiikot na ang mga resolusyon kung saan ang 125 na na-file na
disqualification cases ay ire-resolve na ng Comelec,” ani Garcia.


Kapag naresolba na ang bawat kaso, inaasahang matatanggal sa listahan ang mga na-disqualify
na kandidato. Sakaling sila’y hindi sila makasama sa inisyal na pagtanggal, pwede pa ring
maalis sa pwesto kahit nakaupo na sila o suspindihin ang proklamasyon ng mga nanalo sa
BSKE, ayon pa kay Garcia.


Ayon pa sa Comelec, hindi magkakaroon ng kawalan ng liderato sa isang barangay kung hindi
pa maipoproklama ang winning candidates dahil sa maaaring pansamantalang humalili ang
number one na kagawad, bilang barangay chair.

About Author

Show comments

Exit mobile version