29,000 lumikas mula sa lebanon dahil sa digmaan 17,000 ofws, naiipit

0

NAGING refugee ang halos 29,000 katao sa Lebanon matapos matapos nilang iwan ang kani-
kanilang tahanan dahil sa umiinit na digmaan sa pagitan ng Israel at Hezbollah fighters.


Ayon sa UNCHR, umabot sa 28,965 katao, na kramiha’y nasa timog na bahagi ng Lebanon ang
na-displace. Ito ay mas mataas ng 37 percent magmula noong Oktubre 23.


Mayroong humigit-kumulang 17,000 overseas Filipino workers sa Lebanon, at ang ilan ay may
asawang Palestinian.


Ayon sa sa UNCHR, dahil sa lumalalang krisis pang-ekonomiya sa Lebanon, labis na
dumaranas na kahirapan ang mga mamamayan nito, at ang ilan ay nakatira na lamang sa mga
maliliit na bahay na katulad ng sa squatters.


Magmula nang lusubin ng teroristang grupo na Hamas ang Israel nitong Oktubre 7, sumali na rin
ang Hezbollah group sa gulo sa pamamagitan nang pagpapakawala ng maraming rockets
patungong Israel, na nakapinsala ng infrastructure. Wala namang naiulat na namatay dahil dito.

Sa ngayon umaabot na sa 58 katao ang napatay dahil sa palitan ng putok sa boarder ng Israel at
Lebanon. Karamihan sa mga napatay at madirigmang Hezbollah, apat na sibilyan at isang
Reuters na mamamahayag, si Issam Abdallah.


Dahil sa tumitinding bakbakan sa boarder ng Israel at Lebanon, naiipit dito ang daan-daang
OFWs na nais ma-repatriate sa Pilipinas.


Nauna nang sinabi ni Department of Migrant Workers (DMW) officer-in-charge Hans Cacdac
na ginagawa nila ang lahat para maiuwi ang mga Pilipino sa Lebanon na nais ma-repatriate, pero
imposible raw ito dahil sa kasalukuyang sitwasyon.


Samantala, na nakatakdang nang i-repatriate ang 62 Pilipino mula sa Israel dahil sa digmaan.
Ang ikaapat na epatriation flight mula sa Tel Aviv, Israel ay darating sa Maynila sa susunod na
linggo na may lulang 32 hotel workers, 28 caregivers, at dalawang sanggol.


Katulad ng iba pang OFWs na nakabalik na sa bansa mula Israel, ang bagong batch ng
repatriates ay tatanggap ng cash mula sa DMW, Overseas Workers’ Welfare Administration
(OWWA), at Department of Social Welfare and Development (DSWD).


Kung tungkol sa apat na Pilipino na nasawi sa digmaan sa Israel, nauna nang sinabi ni Israel
Ambassador to the Philippines Ilan Fluss na ituturing nilang Israeli citizens ang mga napaslang
na OFWs at sila at ang kani-kanilang pamilya ay tatanggap ng benepisyo katulad ng isang
mamamayan ng kanilang bansa.

About Author

Show comments

Exit mobile version