Tigil-rehab pansamantala ng EDSA suportado ng Metro Manila Council

SUPORTADO ng Metro Manila Council sa pamamagitan ng presidente nito at San Juan City mayor na si Francis Zamora ang desisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pansamantala munang ipagpaliban ang rehabilitasyon ng EDSA.

Ayon kay Zamora, mas mabuti aniya ito habang pinag-aaralan pa ng mga kasali sa planong rehebilitasyon kung paano ito gagawin sa mas mabilis at episyenteng paraan nang sa gayon ay kaunti lang ang maidudulot na abala sa trapiko.

“Bagamat nangangailangan talaga ng rehabilitasyon ang EDSA, tama ang desisyon ng Pangulo na tiyakin munang hindi ito magiging dagdag pahirap hindi lamang sa mga motorista kundi sa mga mamamayan ng Kalakhang Maynila sa kabuuan,” pahayag ni Zamora.

Sinabi pa ng alkalde na handa aniyang makipagtulungan ang pamahalaang lungsod ng San Juan sa anumang plano ng pambansang pamahalaan, lalo na sa itatalagang alternatibong daanan gayundin kung papaano maging episyente ang EDSA rehab.

Sa San Juan City, kabilang aniya sa mga hakbang ng lungsod ang regular na road clearing sa mga Mabuhay Lanes at ang binuksan kamakailan na Greenhills–West Crame Connector Road, na nagbibigay ng mabilis na alternatibong ruta sa mga motorista.

“Ang proyektong ito ay hindi lamang nagpapaluwag ng trapiko sa San Juan kundi nakatutulong din sa pagpapagaan ng daloy ng sasakyan sa EDSA,” dagdag pa ng alkalde.

Idinagdag pa ng pangulo ng MMC na handa rin umano sila na makipag-ugnayan sa DPWH, DOTr, MMDA at iba pang ahensiya ng pamahalaang nasyunal para sa komprehinsibong plano sa EDSA.

“Partikular, ang San Juan City ay laging handang tumulong para sa kapakanan ng mga residente nito kundi ng lahat ng Pilipinong araw-araw ay dumaraan sa EDSA,” ani Zamora.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...