Mekaniko huli sa rape ng menor-de-edad na pinsan sa Pasig

HINDI na nakapalag pa ang isang binatilyo matapos itong madakip ng mga operatiba ng Substation 7 ng Pasig City Police Station sa bisa ng warrant of arrest sa kasong panggagahasa dakong alas-5 ng hapon sa Caruncho Avenue, Brgy. San Nicolas, Pasig City noong Marso 3, 2025.

Sa ulat na nakarating kay PCol. Villamor Tuliao, district director ng Eastern Police District (EPD) mula kay PCol. Hendrix Mangaldan, chief of police ng Pasig City, kinilala ang suspek na si alyas “Renz,” 28, may-asawa, isang mekaniko at residente ng Brgy. Pinagbuhatan sa nasabing lungsod.

Batay sa imbestigasyon, nangyari ang panggagahasa sa isang 16-anim na dalagita na pinsan mismo ng suspek noong Setyembre 7 at 30 taong 2018 at noong Agosto 25, 2019 sa Brgy. Pinagbuhatan.

Idinagdag pa sa ulat na hindi lang ginahasa kundi nakaranas din ng sexual violence ang biktima mula sa pinsan nitong si alyas “Renz” na itinuturing na no. 3 na most wanted person sa Pasig City at no. 2 naman sa listahan ng most wanted person g EPD.

Matapos ang apat na taon na pananahimik, dito na naglakas-loob ang biktima na sabihin sa mga kapamilya ang ginawang pang-aabuso sa kaniya ng kaniya mismong pinsan kung kaya agad itong isinuplong sa mga awtoridad na nagsagawa ng pinaigting na imbestigasyon at pagmamanman

Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Elma Mendoza Rafallo-Lingan ng Regional Trial Court (RTC) Branch 159, ng Pasig City, inaresto ang suspek sa paglabag sa kasong paggagahasa sa ilalim ng Article 266-A ng Revised Penal Code may kaugnayan sa Section 5 (A) ng R.A. 8369 at walang piyansang inrekomenda.

Maliban dito, kinasuhan din si alyas “Renz” ng 8 counts para sa sexual assault sa ilalim ng Article 266-A ng Revised Penal Code may kaugnayan sa Section 5 (A) ng R.A. 8369 na may piyansang P200,000.

Ang suspek ay pansamantalang nakakulong sa custodial facility ng Pasig City Police Station habang hinihintay ang commitment order mula sa korteng may hawak ng kaso. (NEP CASTILLO)

IBA PANG BALITA

Atty. Mark Tolentino kinuwestyon ang ‘non-bailable’ case vs Sonza

KINUWESTYON ni Atty. Mark Tolentino, ang abogado ng dating broadcaster na si Jay Sonza kung bakit non-bailable ang kaso ng kaniyang kliyente batay sa...

Jay Sonza inaresto ng NBI sa kasong cyber libel

INARESTO ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dating broadcast journalist na si Jay Sonza kaugnay sa kinakaharap nitong kaso na...

₱1-M halaga ng shabu nasamsam sa 4 HVIs sa Rizal

APAT katao ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng Station Drug Enforcement Team ng San Mateo Municipal Police Station (San Mateo MPS) sa Brgy....

₱1.2-B ayuda napunta sa MC taxi “ghost riders”?

MAY posibilidad umano na higit sa ₱1 bilyon ang posibleng naipamigay sa mga “ghost riders” ng motorcycle taxi (MC taxi) dahil sa kawalan ng...

Eugene Nacino hinirang na 2026 ‘Makata ng Taon’

GAGAWARAN ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) si Eugene Geibrielle Nacino ng KWF Talaang Ginto: Makata ng Taon 2026 para sa kaniyang tulang: “Asín...