Kakulangan sa pondo ng SUCs pupunan ng 2024 budget — Gatchalian

0

Tutugunan ng 2024 General Appropriations Act (GAA) ang kakulangan sa pondo ng
State Universities and Colleges (SUCs), ayon kay Senador Win Gatchalian.


Nasa 2024 GAA ang isang special provision na kung saan, nakasaad na maaaring
gamitin sa pondo ng libreng kolehiyo ang mga hindi nagalaw na balanse ng Higher
Education Development Fund (HEDF).


Gagamitin ito para punan ang kakulangan sa pondo ng libreng kolehiyo sa mga SUCs at
ang program of receipts and expenditures, na nakabatay sa bilang ng mga enrollees at
ang matrikulang inaprubahan ng board of regents o trustees ng naturang SUCs.


Aabot sa ₱4.1 bilyon ang kakulangan sa pondo ng programang libreng kolehiyo.

Ayon sa Philippine Association of State Universities and Colleges (PASUC), tinatayang
aabot sa 1.8 milyong mga mag-aaral ang makikinabang sa libreng kolehiyo simula
ngayong 2024.


“Tiniyak natin na para sa taong ito, maiiwasan ang kakulangan ng pondo para sa
libreng kolehiyo… Mahalagang tiyakin natin ang sapat na pondo para sa ating SUCs,
hindi lamang para sa libreng kolehiyo, kundi para maipagpatuloy din nila ang
paghahatid ng dekalidad na edukasyon para sa ating mga mag-aaral,” ani Gatchalian.

About Author

Show comments

Exit mobile version