Raymart Santiago, may warrant of arrest na?

0

Mukhang hindi pa tapos ang laban sa pagitan ng mag-asawang Claudine Barretto at
Raymart Santiago.

Ayon kay Claudine, nag-isyu na ang korte ng warrant of arrest laban kay Raymart dahil
sa mga kasong kinasasangkutan nito laban sa kanyang dating asawa.


Ito ay matapos ipahayag ni Claudine sa isang interview ng Pep.ph na nawalan siya
“hundreds of millions” of pesos sa kanyang mister na si Raymart.


Hindi pa malinaw kung literal nga na daan-daang milyong piso ang nawala kay
Claudine o figurative expression lang ito.


Maghaharap muli ang dating mag-asawa sa korte dahil sa isyung ito.


Ilan sa mabibigat na akusasyon ni Claudine kay Raymart ang mga sumusunod: Kasong
Violence Against Women and Children (VAWC), annulment, custody battle, pati na rin
money and property issues.


Inamin din ni Claudine na dahil sa serye nang pang-aabuso, dumaranas siya ng
“battered-wife syndrome” at “post-traumatic disorder.”


Sa harap nito, nakiusap naman si Raymart na i-drop na ang VAWC sa kaso.


“And nahihirapan ako kasi siyempre, ayoko naman makulong yung tatay ng mga anak
ko,” saad ni Claudine.


Naaalis na sa kanyang reklamo ang kasong VAWC pero hindi naman daw tumupad sa
kanyang mga pangako si Raymart.


Sa ngayon nasa proseso na nang pagdinig ang annulment case ng dalawa.
Matatandaang ikinasal sina Claudine at Raymart sa sa isang civil ceremony noong
2004, ikinasal sila sa simbahan noong March 27, 2006, at nagkahiwalay noong 2013.


Ang kanilang anak na si Sabina ay 19-anyos at si Santino, 16-anyos. Dahil dito,
naguguluhan daw si Claudine sa custody ng dalawang anak na gusto niyang sa kanya
mapunta.


Pinoproblema rin ni Claudine ang real estate properties nila. “So, now, parang yung
properties… Nagkakaproblema.”


Dahil sa serye ng insidenteng ito, apektado raw ang pagtatrabaho ni Claudine.
Bukas ang Brabo News para sa paliwanag ni Raymart.

About Author

Show comments

Exit mobile version