Milyones ni Daniel, nilustay nga ba ni Karla?

MARAMING lumalabas na balita lalo na sa mainstream media na hinahanap daw ni Daniel Padilla ang kanyang milyones na naipon.


Nagtataka rin ang marami kung totoo ngang ipinagbibili ni Daniel ang kanyang unang investment na bahay sa halagang ₱50 milyon.

Nauna na rito, naibenta kamakailan ni Daniel ang kanyang sports car na Corvette C7 sa halagang ₱6.5 milyon.

Umuugong na balita sa social media na, it appears o tila lumalabas na nilustay daw ng kanyang inang si Karla Estrada ang milyones sa mga kinita ni Daniel. May tsika pang binilhan diumano ni Karla ng isang luxury car, isang Porche, at mamahaling motorsiklo
ang kanyang boyfriend.


Kung sakaling totoo nga ito, ayon sa ilang netizens, hindi raw dapat pinakikialaman ni Karla Estrada ang perang pinagpuyatan at galing sa dugo’t pawis ng kanyang anak.


Alam naman ng lahat sa showbiz circles na hindi permanente ang relasyon ng mag- jowa, kahit na rin sa couples na legal na ikinasal, kaya bakit bibigyan pa ng luho ang isang ka-partner lamang?


Bukod po sa diumano’y maluhong pamumuhay ni Karla, sagot din ni Daniel ang pag- aaral ng kanyang kapatid sa ibang bansa, na isa ring senyales nang pagiging maluho.


Kung patuloy daw na gagawin ito ng mga kapamilya ni Daniel, baka dumating ang araw na magiging purdoy na ang kaawa-awang aktor at manghingi ng tulong-pinansiyal kapag maysakit na sa kanyang pagtanda, kagaya ng maraming mga sikat na artista.


Hindi po naniniwala ang Brabo News sa mga kaganapang ito hanggang hindi opisyal na
kiinukumpirma ni Karla o Daniel. Bukas ang Brabo News para sa sagot nila.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...