Nagpayong Civic Complex, mini-hospital at eskuwelahan itatayo ng Pasig LGU

KINUMPIRMA ni Pasig City Mayor Vico Sotto na aprubado na ang site development plan para sa konstruksyon ng Nagpayong Civic Complex na itatayo sa 2.6 ektaryang lupain na binili ng lokal na pamahalaan.

“Medyo naantala lang tayo ng kaunti dahil sa ilang mga isyu, lalo na sa right of way. Mayroon pa ngang mga sindikato na gumawa ng gulo dahil nangungolekta sila ng iba’t ibang bayarin para maging miyembro nila,” ang pahayag ni Sotto.

Ilan pa sa mga itatayo sa nasabing civic complex ay ang Nagpayong Primary Care Center, isang 16-bed infirmary na dinesenyo bilang isang mini-hospital.

“OK na rin sa Department of Health at mayroon na tayong permit para sa konstruksyon matapos magsagawa ng soil testing sa area ang ating city engineering office,” dagdag pa ng alkalde.

Itatayo rin sa nasabing complex ang isang 12-palapag na gusali ng pampublikong paaralan na pinondohan ng pamahalaang nasyunal.

Ang pangalawang school building ay nakalatag na rin ngunit itatayo lang ito kapag nakumpleto na ang naunang dalawang mga isturktura.

“Balak din ng local na pamahalaan na magtayo ng isa pang school building pero kailangan munang matapos ang naunang dalawang gusali,” ang pahayag ni Sotto.

Maliban sa nabanggit na mga gusali, nasa plano na rin ang pagtatayo ng isang police substation.

Ang nasabing pampublikong imprastraktura ay kinabibilangan ng DepEd school compound na may apat na gusali, healthcare facility, police substation, fire substation, multi-purpose hall.

May espayo rin na ilalaan para sa pampublikong parke, evacuation area at City Social Welfare and Development Office (CSWDO) compound kung saan kabilang dito ang extension ng Bahay Kanlungan.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...