Angara: Balik-eskuwela 2025 naging maayos

SA PANGKALAHATAN, naging maayos ang naging resulta sa ginawang pagsisikap ng Department of Education (DepEd) na mapanatili ang kaayusan sa pagbubukas ng klase ngayong taon.

“So far ok naman, smooth and orderly naman ‘yun pagbubukas natin ng klase,” ayon kay DepEd Secretary Sonny Angara sa panayam ng mga mamamahayag sa Epifanio Delos Santos Elementary School sa Maynila.

Sinabi pa ng DepEd na bukas ang hotline ng ahensya para tumanggap ng mga reklamo at iba pang karaingan may kaugnayan sa unang araw ng klase para sa school year 2025-2026.

Sinamahan ni Angara si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr sa pagbubukas ng klase sa Epifanio Delos Santos Elementary School sa Malate, Maynila kaninang umaga.

Ipinatupad nagyong taon ng DepEd ang iba’t-ibang reporma para suportahan ang mga mag-aaral at mga guro kasama na dito ang simpleng proseso sa enrollment.

Inilatag din ng ahensya ang may kinalaman sa kalusugan ng mga estudyante, delivery ng laptops, mga smart TV at iba pang digital na mga kagamitan sa eskuwelahan.

Ibinida din ni Angara ang mas mataas na medikal at teaching allowance para sa mga guro, hiring ng karagdagang mga guro at administrative staff at iba pang programa na ang layunin ay mabawasan ang bigat ng mga ginagawa ng mga guro.

“Malaking pasasalamat natin kay Pangulong Marcos sa mga repormang agad niyang itinulak para sa edukasyon. Mas mararamdaman ito ng ating ng mga guro at mag-aaral ngayong balik-eskwela.” Ang pahayag ni Angara.

“Kasama na dyan ang ang dagdag-suporta, kagamitan, at mga polisiyang nagpapagaan sa araw-araw nilang karanasan sa paaralan,” dagdag pa ng dating senador.

Kasabay nito, ipinatupad na rin ng ahensya ang mas pinalakas at pinatibay na kurikulum para sa mga estudyante sa senior high sa taong ito upang maging handa na ang mga ito sa kolehiyo at trabaho.

IBA PANG BALITA

Eugene Nacino hinirang na 2026 ‘Makata ng Taon’

GAGAWARAN ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) si Eugene Geibrielle Nacino ng KWF Talaang Ginto: Makata ng Taon 2026 para sa kaniyang tulang: “Asín...

Mister tinapos ang sariling buhay matapos palakulin si misis

ISANG kaso ng parricide ang iniulat ng Rizal Police Provincial Office (Rizal PPO) matapos matagpuan sa loob ng kanilang bahay ang misis na sugatan...

Carnapper na nang-blackmail sa Rizal, arestado 

ARESTADO ang isang lalaki nang masakote ng mga pulis matapos manghingi ng pera sa biktima para maisauli ang ninakaw na motor sa Antipolo City,...

AFP: Napaslang na aktibistang UP student sa NegOcc ‘armado,’ may ‘combat rig’

NANININDIGAN ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kanilang naunang pahayag na ang napaslang na estudyante ng University of the Philippines (UP) sa...

Meralco muling nagbabala: Ang pagnanakaw ay ‘nakakakuryente’

NAGBABALA muli ang Manila Electric Company (Meralco) laban sa nagbabalak magnakaw ng mga materyales o kawad ng kuryente sa kanilang mga pasilidad. Ito’y matapos masawi...