Home News Construction worker nag-amok, nangagat ng mga parak

Construction worker nag-amok, nangagat ng mga parak

0

Arestado ang isang 38-anyos na construction worker matapos magwala at magbanta gamit ang patalim sa Barangay Marikina Heights, Marikina City.

Ayon sa Marikina City Police, rumesponde sila sa reklamo hinggil sa isang lalaking nagwawala sa naturang lugar.

Pagdating sa lugar, naabutan nila ang suspek sa rooftop ng ikatlong palapag ng isang bahay habang sumisigaw at may hawak na kutsilyo.

Sinubukan siyang pakalmahin ng mga pulis, ngunit tumanggi ito at lalo pang naging agresibo.

Inatake umano ng suspek ang mga pulis at kinagat ang isa sa tagiliran habang ang isa naman ay sa tenga at siko.

Agad na naaresto ang suspek na kinilalang si alyas “Fred.” Nakuha mula sa kanya ang patalim na ginamit sa insidente.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Marikina City Police Station.

Haharap siya sa mga kasong direct assault, alarm and scandal, disobedience to persons in authority, at illegal possession of bladed weapon. (AR BERNARDO)

Exit mobile version