Genuine public service sa Cainta

KAPAG i-type mo ang salitang genuine sa computer at alamin kung ano ang kahulugan sa Tagalog, lalabas ang mga salitang totoo, tunay, tapat, dalisay, wagas at iba pa.

Minsan ay napadaan tayo sa Munisipyo ng Cainta sa Rizal at “naki-Marites” tayo ng kaunti kung paano ba pinaglilingkuran ng kanilang lokal na pamahalaan ang kanilang nasasakupan.

Ang tinuran natin mga ka-BRABO na mga salita sa unang parapo ng kolum na ito ay masasabi nating angkop ang lahat ng kahulugang salita batay sa ating natuklasan.

Sa ating pangu-usyuso, Lunes pala ang “People’s Day” ni Mayor Kit Nieto at naga-average ng 500 katao ang napaglilingkuran nila sa araw na iyon at mula naman Martes hanggang Biyernes ay hindi rin nagkakalayo.

Nakita mismo ng aking mga mata na sabay-sabay nilang pinapapasok ang mga tao anuman ang kalagayan sa pisikal at kalagayan sa buhay.

May nakasuot ng pormal, kasabay ang isang may benda sa kamay, gusgusing nanay na bitbit ang kaniyang anak (na gusgusin din), dalawang babaeng senior citizen na nag-aakayan sa isa’t isa at isang payatot na babaeng gusgusin.

Inabangan natin ang kanilang paglabas matapos ang ilang minutong pakikipag-usap sa kanila ng alkalde at lahat sila ay may bitbit na gulay at maliit na papel na ipinapakita sa mga tauhan sa lobby at agad iginigiya kung saan sila pupunta [na departamento] para ipakita ang kapirasong papel.

Iba’t ibang gulay na ipinamimigay ni Mayor Kit.

Napag-alaman natin na ang iba’t ibang gulay na nakabalot ay mula pala sa personal na pera ni Mayor Kit at hindi galing sa kaban ng bayan. Personal na tulong niya.

Lumalabas na lahat pala ng pumupunta sa alkalde ay hindi bigo sa kanilang inilalapit o masasabi nating hindi man lubos na nabigyan ng solusyon ang kanilang inilapit (maaaring legal na usapin at nangangailangan ng karagdagang dokumento o panahon), ay lumalabas na nakangiti.

Ayon sa alkalde, tinitiyak niya sa kaniyang mga nasasakupan na mayroon silang pamahalaan na maaaring takbuhan o lapitan sa oras ng kanilang pangangailangan.

Dahil kung wala silang mahihingan ng tulong o walang mag-aasikaso sa kanila, sa ibang paraan na nila ito gagawin at karaniwan nang ito ay nauuwi sa krimen, karahasan at iba pang negatibong bagay.

Minsan ay sinundan natin ang isang nanghingi ng tulong at tinanong natin kung nakaranas ba siya ng diskriminasyon sa opisina o anumang negatibong bagay at sinabi ng babae na hindi dahil palagi na umano siyang pumupunta.

Sabi niya sa akin, hindi na ako babalik kung naranasan niya ang sinasabi ko.

Sa susunod ay tatalakayin pa natin ang ilan sa mga kakaibang proyekto o ginagawa ni Mayor Nieto na masasabi nating hindi napapansin ng mundo pero napahalagahan ng kaniyang nasasakupan.

Anong Take Mo Rito, ka-BRABO?

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...