Pagpatay sa pulis-Taytay, kinondena

0

MARIING kinondena nitong Sabado ni Rizal police provincial director Col. Rainiero de Chavez ang
brutal na pagpatay sa isang miyembro ng Taytay Police nitong Huwebes.


Tiniyak din ni De Chavez na gagawin nila ang lahat para mabibigyang-hustisya ang pagkamatay
ng kanyang tauhan.


“We assure the grieving family that the police will take all the necessary steps to ensure that justice is served,” ayon sa bagong-talagang hepe ng Taytay Police.


Ayon sa ulat ng pulisya, binaril ng apat na suspects si PStaff Sergeant Allan Guimpayan – na naka-
destino sa Taytay Municipal Police Station (TMPS) – nitong Huwebes ng umaga, habang
kumakain nang hapunan sa isang tapsihan.


Ayon pa sa report, matapos ang police operation ng warrant section ng TMPS, nagdesisyon si
Guimpayan na kumain ng hapunan sa Kamunyang Tapsihan at Pares sa Barangay Sta. Ana, sa
bayang ito. Habang siya’y kumakain isang grupo ng kalalakihan ang lumapit sa kanya at
nakipagtalo nang wala umanong dahilan.


Pagkatapos nito’y inatake ng mga suspek ang nag-iisang pulis habang ipinagtatanggol nito ang
sarili. Nadaig si Guimpayan dahil sa rami ng suspects, kinuha ang kanyang service revolver at
ipinutok sa kanya nang ilang ulit.


Nakikiramay ang Rizal PNP chief at mga opisyal sa mga naulila ni Guimpayan at nangakong
bibigyan nang hustisya ang pinatay na pulis.

About Author

Show comments

Exit mobile version