11 NCRPO personnel tumanggap ng parangal

0
Tinanggap ni PCpt. Jazon Lovendino ng EPD ang Medalya ng Kagalingan mula kay Police Major General Melencio Nartatez, Jr., hepe ng NCRPO.

LABING-ISANG mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang tumanggap ng iba’t ibang parangal dahil sa ipinakitang galing sa pagpapatupad ng batas.

Pinangunahan ni Police Major General Melencio Nartatez, Jr., regional director ng NCRPO, ang nasabing parangal sa ginanap na Monday Flag Raising and Awarding Ceremonies kahapon, March 11, 2024, sa Camp Bagong Diwa, Bicutan sa Taguig City.

Iginawad ang Medalya ng Kagalingan kina PCpt. Rodolfo Cumayas, Jr. mula sa Eastern Police District (EPD); PSSgt Luisito Senen, Jr. ng Quezon City Police District (QCPD); PCpl. Richard Fabul at Patrolman Kristian Aaron Oller ng Southern Police District (SPD) dahil sa kanilang matagumpay na kampanya laban sa anti-illegal drugs.

Tinanggap naman nina Police Captain Jazon Lovendino ng EPD; PSSgt. Jay-R Galvez, PCpl. Eduardo Mansalay, Jr. mula sa MPD at PCpl Benedict Sermon De Leon ng NPD ang Medalya ng Kagalingan sa ipinakita nilang husay at galing sa pagpapatupad ng mga programa laban sa anti-criminality.

Samantala, sina PCpl. Benedict De Leon mula sa NPD; PSMsgt. Eric Jorgensen ng QCPD, PSMgt Julius Campollo ng NPD at Pat. Mc Darryl Robles ay ginawaran ng Medalya ng Papuri.

Sa kaniyang mensahe, binigyang-diin ni PBGen. Rolly Octavio, Chief Regional Staff, na ang simulain ng Philippine Nationa Police (PNP) ang naging gabay at pamantayan ng kanilang mga tauhan kung kaya’t naging matagumpay ang mga ito sa kani-kanilang hanay sa pagpapatupad ng batas.

“Let us commit anew to these core values, leading them to guide our actions, shaping our professional lives, and be the legacy we live for future generations. Together as Team NCRPO with united force, let us embody the true spirit of the Philippine National Police and continue to serve our nation with pride, honor, and unwavering dedication,” ang naging pahayag ni Octavio.

About Author

Show comments

Exit mobile version