Tiyuhin timbog sa panggagahasa sa pamangkin

0
Tiyuhin timbog sa panggagahasa sa pamangkin sa Rizal (Photo: Rizal PPO)

NAHULOG na sa kamay ng Rizal PNP ang tinaguriang ika-4 sa most wanted person ng lalawigan sa isinagawang manhunt operation ng Binangonan Warrant Tracker Team noong Enero 5 taong kasalukuyan bandang 1:40 ng hapon sa Brgy. Tandang Kutyo, Tanay.

Sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng korte sa kasong qualified rape of minor na walang inerekomendang piyansa, inaresto ang akusado na kinilalang si Alyas Fonso, 49-taong gulang at naninirahan sa nasabing lugar.

Batay sa imbestigasyon ng Binangonan Municipal Police Station, noong Enero 2024 nang mangyari ang panggagahasa ng akusado sa kanyang sariling pamangkin na 13-taong gulang.

Kasalukuyan namang nasa kustodiya na ng Binangonan Custodial Facility ang akusado habang ang korte ay iimpormahan sa kanyang pagkakaaresto.

About Author

Show comments

Exit mobile version