Top 3 most wanted at rapist ng bata arestado sa Pasig

0
Si Alyas “Kuya Vangie” ang top 3 most wanted at rapist ng bata arestado sa Pasig

INARESTO ng mga awtoridad noong Enero 10, 2025 bandang ala-1:40 ng hapon, ang isang rapist sa isinagawang manhunt operation matapos iniutos ng korte na dakpin sa pinakamadaling panahon ang salarin sa may Kaimito Street, Pinalad area sa Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City.

Ayon sa report ni PCol. Hendrix Mangladan, chief of police ng Pasig City Police Station, hindi na nakapalag pa ang suspek na si Alyas “Kuya Vangie,” 44-na taong gulang, may ka live-in at walang trabaho at residente ng nasabing barangay.

Sinabi pa ni Mangaldan na iniutos ni Hon. Rainelda Estacio-Montesa, Acting Presiding Judge ng RTC Branch 159 sa Pasig City, na hanapin at iharap sa kaniya ang suspek sa bisa ng inilabas nito na warrant of arrest.

Maliban sa panggagahasa, dati na ring naaresto si Alyas “Kuya Vangie” sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 noong Agosto 3, 2017 at Illegal Gambling noong Marso 10, 2021.

Ang pinagsanib na puwersa ng mga awtoridad ayon pa kat Mangaldan ay ang Pasig City Police Station Intelligence Section bilang lead unit, kasama ang National Intelligence and Security Group (NISG-NCR), District Intelligence Division ng Eastern Police District (DID-EPD) at Regional Mobile Force Batallion (RMFB4A0 404th A Maneuver Company.

Nakapiit ngayon ang suspek sa custodial facility ng Pasig City habang hinihintay ang utos ng korte.

Mahaharap sa kasaong Statutory Rape sa ilalim ng Article 266-A (1)(d) walang piyansa at Section 10(a) ng R.A. No. 7610  o Special Protection of Children Against, Exploitation and Discrimination Act, na may piyansang Php80,000.00.

About Author

Show comments

Exit mobile version