Sekyu ng Megamall sa viral video na nanadyak ng estudyanteng vendor, sinibak

0
Sekyu ng Megamall sa viral video na nanadyak ng “estudyanteng” vendor, sinibak (Screen grab from viral video)

SINIBAK na sa puwesto ang isang security guard na naging viral sa social media, ayon sa pamunuan ng SM Megamall sa inilabas nitong pahayag, Enero 16, 2025.

“Ikinalulungkot namin at nakikisimpatiya kami sa batang babae na nakaranas ng hindi maganda sa labas ng aming mall,” ang pahayag ng pamunuan.

Makikita sa video na maliban sa inagaw ang panindang Sampaguita ng batang babae na naka-uniporme pa, tinadyakan din nito ang estudyante bagama’t hindi tinamaan.

“Itinawag pansin na namin sa security agency na kaagad na magsagawa ng masusing imbestigasyon. Ang security guard [sa video] ay sinibak na at hindi na siya maaaring magtrabaho sa alinmang malls [na pagmamay-ari namin],” dagdaga pa ng opisyal na pahayag ng SM.

Bagaman ang nasabing TikTok video ay unang nai-post noon pang Disyembre 2024, umani pa rin ito ng milyon-milyong views at naging paksa sa mga diskusyon sa social media.

Sa nasabing video, makikita na pilit na pinapaalis ng guwardiya ang estudyante habang hinahablot nito ang Sampaguitang tinitinda ng batang babae hanggang sa tuluyan na itong masira.

Kapansin-pansin din na inihampas na lamang ng bata ang hawak nitong sirang Sampaguita bilang ganti sa ginawa ng guwardiya.

“As SM Supermalls always promotes inclusivity for all, we strongly condemn this act committed against her,” pagkondena pa ng SM Supermalls.

About Author

Show comments

Exit mobile version