2 laglag sa ₱136-K shabu sa Parañaque

Laglag ang dalawang lalaki matapos mahuli sa ikinasang buy-bust operation ng Parañaque City Police Station Drug Enforcement Unit (DEU) at makuhanan ng aabot sa P136,000 halaga ng illegal na droga, kagabi sa Barangay Baclaran, Parañaque City.

Nakilala ang mga suspek na sina Raul Orin Soriano Jr., 43-anyos at  Janice Alvarado Marcalas, 41-anyos.

Inaresto ang dalawa bandang 10:30 Miyerkules ng gabi sa kahabaan ng Unida St., Barangay Baclaran, matapos ang naganap na transaksyon sa pagitan ng mga suspek at police poseur buyer para sa pagbili ng shabu.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang  20 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱136,000.00, ₱500 buy-bust money, at isang black coin purse.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek at kinasuhan ng paglabag sa Section 5 at Section 11, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa tanggapan ng City Prosecutor’s Office, Parañaque City. 

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...