3 timbog sa Malabon buy-bust, baril at P175-K shabu, nakumpiska sa Malabon 

Kulungan ang bagsak ng tatlong drug personalities matapos makuhanan ng baril at mahigit P.1 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation sa Malabon City, Biyernes ng madaling araw.

Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang naarestong mga suspek na sina Allan Tenebro, 45-anyos, (pusher/listed), Jeffrey John Mercado, 46-anyos, kapwa ng Brgy. Tonsuya at Jason Layton, 36-anyos, electrician ng Brgy. Hulong Duhat.

Sa report na nakarating sa tanggapan ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, bandang 12:30 Biyernes ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng buy bust operation sa Mc Arthur Hi-way corner Riverside St., Brgy. Potrero matapos makatanggap ng impormasyon kaugnay sa pagbebenta ng shabu ni Tenebro.

 Nang tanggapin ni Tenebro ang P500 marked money mula sa isang pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba, kasama ang kanyang kasabwat na si Mercado at ang kanilang parokyano na si Layton.

Ayon kay PSSg Kenneth Geronimo, nakumpiska sa mga suspek ang nasa 25.84 grams ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price (SDP) value na P175, 712 at buy bust money habang nakuha pa kay Tenebro ang isang cal. 45 pistol na may magazine at tatlong bala.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong pagpabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 habang karagdagan kasong paglabag sa R.A 10591 in relation to Omnibus Election Code ang kakaharapin pa ni Tenebro

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...