Bebot tinalo ng tropa sa inuman

Kulungan ang bagsak ng isang binata matapos halayin ang katropang dalaga  nang malasing at makatulog ang biktima sa loob ng silid ng kaibigan sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.

Batay sa isinumiteng ulat ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nakipag-inuman ang biktimang itinago sa pangalang sa alyas “Diana”, 19-taong gulang, Grade 12, residente

 ng Brgy. NBBS, Navotas City, sa mga kaibigan, kasama ang suspek na si alyas “Jonathan”, 20-anyos, sa bahay ng isa nilang kaibigan sa Brgy. Longos, Lunes ng gabi.

Nang makaramdam na ng kalasingan, ipinasya ng biktima na makitulog sa isang silid sa bahay ng kaibigan, hanggang magising na lamang siya na wala nang saplot pang-ibaba at ginagawan na ng kahalayan ng suspek bandang 12:40 ng madaling araw.

Tinangka pa umanong manlaban ng biktima subalit, hindi niya kinaya ang lakas ng lalaki hanggang sa tuluyan siya nitong magahasa.

Matapos ang panghahalay ay humingi ng tulong ang biktima kina Erwin Cerdeña at Alfie Dela Cruz, kapwa barangay tanod ng Brgy. Longos, na agad na  humuli sa suspek.

 Naghain na ng kasong paglabag sa R.A. 8353 o ang Anti-Rape Law sa Malabon City Prosecutor’s Office ang biktima laban sa suspek. 

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...