
HINDI na umangal pa ang isang suspek sa ilegal na droga nang ihain pa sa kaniya ng mga pulis ang nakabinbing warrant of arrest sa kasong panggagahasa.
Base sa ulat na natanggap ni PCol. Felipe Maraggun, provincial director ng Rizal Police Provincial Office, kinilala ang suspek na si alyas “Gerlad,” 28 na tubong Batangas City.
Habang nakapiit ang suspek sa custodial facility ng San Mateo Police Station sa kasong ilegal na droga, isinilbi sa kaniya ang isang warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court, Branch 75 ng San Mateo, Rizal, noong Hunyo 28, 2016.
Ang suspek, na nahuli noong Hunyo 4, 2025 sa kaosng iligal na droga ay nahaharap ngayon sa kasong 2 counts ng sexual abuse na may nakalaang piyansa na halagang P400,000.00.
Batay sa imbestigasyon, noong Enero 2016 ay isinagawa ang krimen ng akusado matapos abusuhin at halayin ang isang 13 taong gulang na menor de edad noon na kinilala lamang sa alyas “Joy” na kanyang 2nd cousin.
Ang akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng San Mateo MPS habang inaasikaso ang legal na proseso para sa kanyang kaso habang ang korte ay iimpormahan sa matagumpay na operasyon.