Tibo na yaya tiklo sa kasong child molestation

TIMBOG sa mga operatiba ng Eastern Police District (EPD) ang isang lesbian sa isinagawang follow up operation sa kasong pang-aabuso ng menor-de-edad, sa tinutuluyan nito sa Candelaria, Quezon bandang alas-9:30 ng umaga, Hunyo 7, 2005.

Kinilala ni PBGen. Aden Lagradante, district director ng EPD, ang suspek na si alyas “Jennifer,” 44, na may standing warrant of arrest na inisyu ni Acting Presiding Judge ng RTC Branch 192 ng Marikina City.

Batay sa imbestigasyon, umabot sa 15 ulit na pinagsamantalahan ng suspek sa loob mismo ng tahanan ng 9 na taong gulang na babaeng biktima habang yaya ito at nagsilbing helper ng pamilya sa Marikina City.

Ayon pa sa ulat, nangyari ang mga pang-aabuso simula Agosto hanggang Setyembre ng taong 2024 at nitong huling bahagi ng Setyembre ay naglakas-loob na ang biktima na isumbong ito sa ina.

Dahil sa malagim na sinapit ng kaniyang anak, agad na humingi ang mag-ina ng tulong sa desk ng Violence Against Women and their Children (VAWC) sa barangay hanggang sa sinamahan ang mga ito sa pulisya.

“Nakakadurog ng puso ang nangyari sa inosenteng bata. Paglalaro at kasiyahan lang sana ang nasa kanyang isipan ngunit sa murang edad ay naranasan na niya ang karahasan ng isang mapagsamantala sa kanyang kahinaan,” ang pahayag ni Lagradante.

Ang suspek ay sasampahan ng kasong Sexual Assault at 15 counts ng Acts of Lasciviousness in relation to RA 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act of 1992.

Ang suspek, na itinuturing na top 3 most wanted person ng EPD ay kasalukuyang nakapiit sa Marikina City Police Station Custodial Facility habang naghihintay ng commitment order mula sa korte.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...