Malinaw na kamalayan sa Halal Certification sa PNP, isinusulong ni Robin

0

ISINUSULONG ni Senador Robin Padilla ang malinaw na patakaran sa Halal certification sa
pagkain, at pinaigting na kamalayan tungkol sa kung ano ang dapat kainin ng mga Muslim.


Sa isang pagdinig ng Committee on Cultural Communities and Muslim Affairs, tinalakay ang mga
panukalang ito dahil sa ilang kontrobersya tungkol sa pagkasawi ng dalawang pulis dahil sa alitang nag-ugat sa pagpapakain ng karneng baboy sa isang Muslim na pulis.


“Nais ko pong linawin: hindi po ito paghiling ng espesyal na pagtrato. Atin lamang pong inaasahan
na sa usaping ito, ay magkaroon tayo ng tapat na pakikitungo sa ating kapwa, at ganap na
transparency sa publiko nang walang anumang anyo ng panlilinlang,” ani Padilla na namuno sa
pagdinig.


Nanawagan si Padilla na dapat gawing malinaw ang ang sertipikasyon ng mga Halal na pagkain at
parusahan ang mga namemeke ng mga produktong ito.

“Hiwalayin natin, isang nagse-certify at isa nanghuhuli…Kailangan nating proteksyunan ang Muslim brothers and sisters”, ani Padilla.

Sa ngayon, aniya, ang Department of Trade and Industry at National Commission on Muslim
Filipinos ang nagbibigay ng certification at accreditation sa mga pagkaing Halal.


Napakalaki raw ng industriya ng Halal sa buong mundo – higit sa $2.22 trilyon (P121.28 trilyon)
base sa 2022 ulat ng isang internasyonal na research and consulting group. Inaasahang lalaki pa
ito sa P228.1 trilyon sa 2028, kaya magdudulot ito ng mas malaking potensyal sa pagnenegosyo sa ating bansa, ayon pa kay Padilla.


Isinusulong din ng Senador ang pinaigting na kamalayan at kampanyang pang-edukasyon sa
Philippine National Police at iba pang ahensya ng gobyerno, para maprotektahan ang karapatan
ng mga kawaning Muslim, partikular sa mahigpit na pagbabawal sa pagkain ng karneng baboy.


Aniya, maaaring makatulong ito para maiwasan ang insidente katulad ng pamamaril na kumitil sa
dalawang pulis-Taguig dahil sa pagpapakain ng karneng baboy sa isang Muslim na pulis.

About Author

Show comments

Exit mobile version