HINATULAN ng Sandiganbayan ng tatlong bilang ng panunuhol kahapon, si Senador
Jinggoy Estrada kaugnay ng pork barrel scam, pero napawalang-sala siya sa kasong
pandarambong.
May parusang mula walo hanggang siyam na taon ang direktang panunuhol,
samantalang ang hindi direktang panunuhol ay dalawa hanggang t atlong taon.
Pinagbabayad din si Estrada ng multang ₱3 milyon.
Nag-concur unanimously sa desisyon ng Fifth Division ng Sandiganbayan sina Associate
Justices: Rafael Lagos, Maria Theresa Mendoza-Arcega, at Maryann Corpus-Mañalac.
Samantala, sa opisyal na pahayag ni Senate President Juan Miguel Zubiri, “He can still
file a Motion for Reconsideration with the Sandiganbayan; he can still file an appeal by
certiorari with the Supreme Court.”
“Until and unless the decision becomes final and executory, Sen. Jinggoy is duty-
bound to continue performing his functions as Senator of the Republic,” dagdag ni
Zubiri.
