Ruffa Gutierrez, binuntis nga ba ni Herbert?

UMUUGONG ngayon ang bali-balita sa social media na buntis daw si Ruffa Gutierrez at
ang ama raw ay si dating Quezon City Mayor Herbert Bautista.


Pero pumalag dito si Ruffa at sinabing ito’y “fake news”.


Magkakasunod ang posts ni Ruffa sa Instagram nitong Huwebes ng gabi na
pinasusungalingan ang mga naglabasang sensationalized stories sa social media.


Kalat na kalat ngayon ang posts ng larawan nila ni Herbert, ang diumano’y boyfriend ni
Ruffa.


Narito ang ilang mapanirang posts na ibinahagi ng Pep.ph (Capitals not ours):
“RUFFA GUTIERREZ, BINUNTIS NI HERBERT BAUTISTA?”


“JUST IN! Ruffa Gutierrez UMAMING BUNTIS! HERBERT Bautista magiging TATAY na!”
Sabi ni Ruffa sa caption, “I wasn’t going to dignify this with an answer but everywhere
I go, people are congratulating me!”


Sinabi ng isang fan ni Ruffa na dapat daw kasuhan sa korte ang peddlers ng fake news
para huwag nang pamarisan. At habang pinapayagan ng isang celebrity ang patuloy na
paninira sa social media — sa ngalan ng perang kikitain ‘pag nag-viral ito — ay lalong
magiging agresibong ang mga peke, mapanirang post ito.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...