Ika-2 regular session ng 19 th Congress, binuksan na

0

OPISYAL na binuksan ng House of Representatives ang ikalawang regular session ng 19 th Congress sa pangunguna ni Speaker Martin Romualdez.


Ito ay sa harap ng banta na gusto siyang patalsikin si Deputy Speaker Gloria Arroyo.


Si Romualdez – na pinsang-buo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. – ang nanguna sa opisyal na
pagbubukas ng sesyon na dinaluhan ng 311 mambabatas, kasama si Arroyo.


Kung matatandaan, naging House Speaker si Arroyo noong 18th Congress nang mapatalsik niya si
Speaker Pantaleon Alvares sa papamagitan ng coup d’ etat, sa tulong ng noo’y Davao City Mayor
Sara Duterte.


Inaprubahan ng House ang Resolution No. 15 na magsasagawa ng joint session kasama ang
Senado para sabay nilang mapakinggan ang SONA ng Pangulo.


Inisa-isa ni Romualdez ang top 20 priority bills. Ilan sa mga ito ang sumusunod, The: Public-Private Partnership bill, National Disease Prevention Management Authority, Internet Transactions Act or E-Commerce law, Health Emergency Auxiliary Reinforcement Team Act or formerly Medical
Reserve Corps, Virology Institute of the Philippines, mandatory ROTC and National Service Training Program revival, Magna Carta of Filipino Seafarers, at 13 iba pa.

About Author

Show comments

Exit mobile version