New Zealand, taob sa PH Cayetano, pinuri ang PH sa FIFA Women’s World Cup

0

MAKASAYSAYANG panalo!


Ito ang nadama nina Senador Pia Cayetano maging ng bawat miyembro at coaching staff ng Team
Philippines, nang talunin nila ang New Zealand sa score na 1-0, sa FIFA Women’s World Cup.


Si Cayetano ang pinuno ng delegasyon sa ginanap kompetisyon sa Wellington, New Zealand (NZ)
noong Lunes.


Kahit na matindi ang tensyon dahil sa hometown advantage ng New Zealanders, patuloy na nag-
focus sa laro ang mga Pilipina, sa tulong ng maraming Pilipino na naroroon, patuloy na sumisigaw
ng “Let’s Go Pilipinas!”.


Ang US-born Filipina na si Sarina Bolden ang nakapagbigay ng ‘coup de grace’ o fatal goal laban sa NZ. Ito ang ating kaunaunahang field goal ng bansa sa world cup.


Sinabi ni Cayetano na patuloy daw nating suportahan ang Philippines (rank 46) dahil haharap sila
sa mas mabigat na kalaban sa Hulyo 30, ang Norway (rank 12).


Sinabi ng isang sports analyst na dapat pag-aralang mabuti ng ating coaching staff ang video kung paano tinalo ng New Zealand ang Norway, 1-0.


Sila ang team Philippines: Alen Stajcic, coach; Tahnai Annis at Hali Long, co-captains; Anicka
Castañeda, Sarina Bolden, Olivia McDaniel, Kiara Fontanilla, at Kaiya Jota, goal keepers; Alicia
Barker, Reina Bonta, Jessika Cowart, Malea Cesar, Sofia Harrison, Dominique Randle at Angie
Beard, defenders.


Ang midfield ay kinabibilangan nina Ryley Bugay, Sara Eggesvik, Quinley Quezada, at Jaclyn
Sawicki, at ang attack line ay sina Isabella Flanigan, Carleigh Frilles, Katrina Guillou, Chandler
McDaniel, at Meryll Serrano.


Labing-lima sa miyembro ng ating team ay may Division 1 NCCA experience sa United States.

About Author

Show comments

Exit mobile version